Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto • 1. Mga Batayang Kasanayan sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Uri ng Teksto • Ang pagbasa ay pakikipagtalastasan ng awtor sa kanyang mga mambabasa.
Tatlong mahahalagang sangkap ang sangkot dito; ang aklat o anumang babasahin na siyang nagsisilbing tsanel o midyum ng tao, ang awtor na sumulat ng akdang babasahin, at ang babasa ng kanyang mga isinulat. • Maituturing ang pagbasa na isang proseso at isa ring kasanayan, Proseso ito ng pagtuklas ng nais ipakahulugan ng awtor sa kanyang mga akda, at isa ring kasanayan sa pag-unawa sa pamamagitan ng pagsasalita o wikang ginagamit dito.
Lalo itong nagkakaroon ng kabuluhan kapag nabatid ang tono, layunin, at punto de vista ng akdang binabasa. • Binubuo ng apat na hakbang ang proseso ng pagbasa. Pesepsiyon sa mga salita o yunit ng mga salitang ginamit sa akda 2. Pag-unawa sa mga salita ayon sa kontektsong kahulugan ng mga ito 3. Reaksiyon ng mambabasa sa akda upang makapagbigay siya ng kanyang saloobin, pagsang-ayon, o di pagsang-ayon sa sinasabi ng akda.
• Katuturan at Kahalagahan ng Pagbasa at Pagbabasa • Ang masining, maayos at tamang pagbabasa ay nagiging kapaki- pakinabang sa mga bumbasa at mga nakikinig. Ito ay nagpapalawak ng kaalaman at nagpapalalim ng pag-unawa. Ayon sa kasabihan sa Ingles “Reading maketh a man.” ang pagbabasa ay nagpapaunlad sa personalidad ng tao.
• Leo James English- Isang awtor ng English- Tagalog Dictionary, ang pagbasa/pagbabasa ay nagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag na mga salita. • Goodman- Ang pagbabasa ay isang saykolingwistiks na panghuhula kung saan ang nagbabasa ay bumubuong ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa.